Sa pagsisimula ng taon, nagsimula na rin ang pagbili at pagbabakuna ng ilang lungsod sa Pilipinas ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang pharmaceutical companies.

Kasabay nito ay ang paglabas ng mga balita tungkol sa side effects ng ilan sa mga ito at ang patuloy na diskusyon kung epektibo nga ba o ligtas ito.

Dapat ka bang magpabakuna? Ano ang mga dapat isaalang-alang bago ka mag-avail nito?

Lahat ng yan at marami pang katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine ang bibigyang kasagutan ni Dr. Kristoffer Pasayan, Head of Infection and Control Unit dito sa St. Cabrini.

#covid19​ #covid19vaccine​ #vaccine​ #stcabrini