𝐒𝐅𝐂𝐌𝐂, 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐕-𝐁 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲𝐫𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐙-𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐭 𝐏𝐚𝐜𝐤𝐚𝐠𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐬𝐭-𝐊𝐓 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬

Pormal nang nilagdaan ng St. Frances Cabrini Medical Center (SFCMC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kasunduan para sa pagpapatupad ng Z-Benefit Package para sa Post-Kidney Transplantation (Post-KT) Services.

Sa ilalim ng package, makatatanggap ng tulong ang mga pasyenteng sumailalim sa kidney transplantation para sa patuloy na gamutan at pangangalagang medikal. Sakop nito ang mga immunosuppressive medication, laboratory at diagnostic monitoring, renal graft biopsy, at surveillance.

Pinangunahan nina Atty. Jerry F. Ibay, bilang kinatawan ng PhilHealth, at nina Dr. Nora A. Torres, Dr. Florentino T. Afable, Dr. Nathaniel E. Agoncillo, at Dr. Elizabeth Carandang ng SFCMC ang paglagda sa kasunduan. Dumalo rin sa seremonya ang ilang kidney transplant patients, na kabilang sa mga pasyenteng makakatanggap ng patuloy na pangangalagang itinataguyod ng programang ito.

Scroll to Top