Noong Setyembre 28, 2026, inilunsad ng St. Frances Cabrini Medical Center (SFCMC) ang VMAT at CT-RT Simulation bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng cancer care sa Southern Luzon.
Ang SFCMC ang kauna-unahang ospital sa Southern Luzon na may VMAT-capable radiation therapy machine, na nagbibigay-daan sa mas precise at efficient na paghahatid ng radiation sa target area.
Personal na dumalo sa paglulunsad na ito sina Sto. Tomas City Mayor Arth Jhun A. Marasigan, Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at PhilHealth Regional Vice President Atty. Jerry F. Ibay, at ang mga kinatawan mula sa City Governments of Calamba, Malvar, at Sto. Tomas.
Ang paglulunsad ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng SFCMC sa pagbibigay ng makabago, de-kalidad, at patient-centered na cancer care.