Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Diabetes Day 2026, isinagawa ngayong Nobyembre 18, 2026, ang libreng Fasting Blood Sugar (FBS) screening para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA).
Layunin ng aktibidad na ito na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga tricycle drivers tungkol sa diabetes at ang kahalagahan ng regular na pagsusuri ng blood sugar upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Sa pamamagitan nito, patuloy na isinusulong ang kahalagahan ng maagang pagtukoy at pag-iwas sa diabetes tungo sa pagkakaroon ng mas malusog na komunidad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Philippine College of Endocrinology, Diabetes & Metabolism (PCEDM) – South Luzon Chapter sa pangunguna at pag-oorganisa ng aktibidad, gayundin sa MedChoice at GX International sa kanilang pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang programang ito.
#WorldDiabetesDay2026
#FreeFBS
#StCabrini