Opisyal nang binuksan sa publiko ang Med Express Drugstore ngayong March 11, 2026 sa St. Frances Cabrini Medical Center (SFCMC).
Sinimulan ang makabuluhang okasyon na ito sa pagkakaroon ng isang banal na misa sa loob mismo ng ospital, kasamang dumalo sina Dr. Nora A. Torres – President and Chairwoman ng SFCMC, founding members na sina Mrs. Nila T. Rafer, Mrs. Sonia T. Aquino, mga staff at mga pasyente ng hospital.
Pagkatapos ng misa ay agad na sinimulan ang ribbon-cutting ceremony para sa pagbubukas ng Med Express Drugstore. Marami ang sumuporta sa event na ito, kabilang na sina Dr. Florentino T. Afable, VP for Administration and External Affairs, Dr. Ma. Cecille A. Cruz – VP for Patient Services, Dr. Malen M. Gellido, VP for Medical Services, Dr. Danna Marie P. Torres – Head, Patient Safety and Quality Management System, hospital partners and affiliated companies.
Nagkaroon din ng maikling mensahe tungkol sa serbisyong hatid ng nasabing drugstore tulad ng delivery services na maaring sa office o sa bahay maipadala ang mga gamot, ang serbisyong ito ay para sa mga pasyente at empleyado ng ospital.
☖ Maharlika Highway, Barangay II Pob. 2 Sto. Tomas City, Batangas 4234
☏ (043)778-4811
Smart:
0933-868-9406
0933-868-9409
Globe:
0917-327-4691
0917-815-2695
✉ info@cabrinimed.com.ph