Opisyal nang Inilunsad ng St.Frances Cabrini Medical Center Cancer Institute ang Thotie's Kalinga Program

Opisyal nang inilunsad ng St. Frances Cabrini Medical Center Cancer Institute ang Thotie’s Kalinga Program noong Pebrero 11, 2026.

Sinimulan ang makabuluhang okasyong ito sa pamamagitan ng isang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Francis Eugene Fadul. Dinaluhan ito ng Board of Directors ng St. Frances Cabrini Medical Center (SFCMC), mga doctor at nars, mga estudyante ng LPU-SFCMC, mga OJT ng ospital, gayundin ng ilang cancer patients at kanilang mga mahal sa buhay.

Matapos ang misa ay pormal na ipinakilala ang Thotie’s Kalinga Program—isang programang naglalayong magbigay ng libreng, holistikong suporta sa mga cancer patients ng SFCMC. Kabilang sa mga serbisyong inaalok nito ang mga espiritwal, pisikal, sikososyal, at art therapy na mga aktibidad na dinisenyo upang makatulong sa kanilang paggaling, pagpapalakas ng loob, at patuloy na pag-asa sa kabila ng kanilang pinagdaraanan.

#CancerAwarenessMonth #SFCMCCancerInstitute #CancerPatients #StCabrini

Scroll to Top