Ginanap noong ika-22 ng Abril 2026 ang isang makabuluhang talakayan tungkol sa colorectal cancer, PhilHealth YAKAP GAMOT Program, at cancer screening. Dinaluhan ito ng mga Barangay Health Workers mula sa Sto. Tomas, Calamba, at Tanauan, gayundin ni Ms. Nancy Dimaranan, Executive Secretary ni Hon. Mayor Roseller “Ross” H. Rizal ng Lungsod ng Calamba.
Sa naging talakayan, ibinahagi ni Dr. Malen M. Gellido, Surgical Oncologist at Head ng Cancer Institute Department ng SFCMC, ang kanyang kaalaman tungkol sa mga risk factors ng cancer at kahalagahan ng maagang pagtuklas nito. Tinalakay rin ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng libreng cancer screenings at libreng gamot sa PhilHealth YAKAP GAMOT Program. Samantala, sinagot din ni Dr. Florentino T. Afable ang mga katanungan ng mga BHWs kaugnay sa PhilHealth YAKAP Program.
Patuloy na hinihikayat ang bawat isa na magparehistro sa PhilHealth YAKAP Program upang ma-access ang mga libreng serbisyong handog nito.
#PhilHealthYAKAP
#Colorectalcancer
#GAMOTprogram
#StCabrini
☖ Maharlika Highway, Barangay II Pob. 2 Sto. Tomas City, Batangas 4234
☏ (043)778-4811
Smart:
0933-868-9406
0933-868-9409
Globe:
0917-327-4691
0917-815-2695
✉ info@cabrinimed.com.ph