SFCMC, Naglunsad ng PhilHealth YAKAP Booth sa Fun Run
ng LPU-St. Cabrini

Naglagay ng PhilHealth YAKAP registration booth ang St. Frances Cabrini Medical Center (SFCMC) noong Abril 19, 2026, sa fun run na inorganisa ng LPU-St. Cabrini, College of Medicine, Student Council na ginanap sa Outlets Lima, Lipa City, Batangas.

Gamit ang temang “Heal with Every Step, Run for a Healthier Tomorrow,” layunin ng aktibidad na hikayatin ang publiko na panatilihin ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo, kasabay ng pagpapalawak ng access sa serbisyong medikal sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP program.

Naging daan din ang nasabing booth upang mas mapadali ang pagpaparehistro ng mga kalahok at iba pang indibidwal na nais makinabang sa nasabing programa.

Scroll to Top